Nanay na ako!

Congrats! Nanay na ako. Isang mainit na pagbati mula rin sa sarili ko. Wala mang balloons, cake o kung ano pang ek-ek sa araw ng pag-ire ko e sapat na yung batiin ko yung sarili ko.

Welcome to the world of nanayhood. Well, hindi ako matagal nang ina. I mean, hindi ako beterano sa pagiging nanay, pero masaya akong naging nanay na ako. Yehey.

Hindi maitatagong magkahalong saya at pangamba ang naramdaman ko nung una kong nakita yung anak ko. Andun yung feeling na

“Sa wakas! Woohoo!” “Ermm…Siya na yun?” “Teka, patulog muna baby ah” “Kamukha ko ba?” “Waaaaah. Nanay na ako! Tae!”

Ganun. Ganun kagrabe ang emosyon sa inang pagkikita namin ng anak ko. Nakakahiya nga sa picture kasi parang bangag akong hindi masaya. Pero sa totoo lang, masaya talaga. Sa siyam na buwan ba namang bitbit ko yung anak ko na sinasabi nilang kasing laki ng isang napakalaking pakwan (hindi nalang nila sinabing may napakalaking bata sa tiyan ko) e sa wakas ready na na ako magkita kami ng abs ko.

At isa yung malaking pagkakamali.

Abs? Abs ba kamo?

Dahil sa siyam na buyang dala-dala ko si Anak, e unti-unti niya ring inangkin ang aking tiyan. Ika nga ng kanta ng Hillsong “I will never be the same again.” Kasi yung banayad-looking kong tiyan e may latay na ng pakikipaglaban ko sa stretch marks.

Pero masaya pa rin. Kahit ganun ang kinahinatnan ng aking tiyan e masaya pa rin. Hindi mapapalitan ng banayad na tiyan ang saya na meron na akong isang nilalang na pinalalaki.

Kung magiging katulad ko siya (siyempre sa ibang bagay lang kasi lalaki siya), hindi natin alam. Ang alam ko lang, handa ako ibigay ang lahat ng aking makakaya sa Lord para maging servant rin siya ng Panginoon.

Kaya sa mga nanay out there, maging excited tayo. Dahil nanay na tayo. Masaya to. Seryoso.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s