Payapa

Dalaga pa ako, alam ko nang magiging full time breastfeeding nanay ako. Hindi man ako aral sa biology or medicine, naranasan ko kasing magtrabaho sa isang NGO para sa mga bata. Doon ko nalaman ang kahalagahan ng exclusive breastfeeding.

Sabi ng WHO, ang exclusive breastfeeding daw ay mahalaga sa isang sanggol hanggang anim na buwan. Pagkatapos nito, pwede ka nang magpakain ng ibang mga pagkain, pero nagpapasuso ka pa rin.

Ito yung pinaka plano ko talaga sa buhay ko. Sabi ko sa sarili ko, pag naging nanay na ako, hindi ko padededein ang anak ko ng gatas ng kalabaw na puro gamot at kung anu-anong experiment. Sabi ko sa sarili ko, breastfeeding lang talaga ako.

At pinanindigan ko nga. Araw, gabi. Gabi, araw, nagpapasuso lang ako ng anak ko. Unti-unti ko nang natupad ang pangarap ko para sa magiging anak (mga anak) ko.

Natuwa rin kasi ako sa kababata ko noon. Itatago ko na lang siya sa pangalan – Sheila. Si Sheila, maagang nakapangasawa. Medyo kolehiyo pa lang kami, siguro, trip trip lang, nag-asawa siya. Napangasawa niya yung kapitbahay nila sa probinsya dati. Mahal na mahal siya nung lalaki. Yung tipong gagawin ang lahat maipundar lang ang pamilya niyang binuo kasama si Sheila.

Lumipat sa Maynila sina Sheila pagkatapos ng ilang taong pananatili sa probinsya. Syempre naging kapitbahay ko siya muli. And weird lang minsan na makita ko yung babaeng ka-edad ko, may dalang bata habang ako, may dala-dalang backpack papasok sa unibersidad ko noon.

Minsang dinalaw niya ako, nagchichikahan kami nang biglang umiyak ang anak niyang halos isang taon na noon.

Tapos… Tapos bigla niyang nilabas yung suso niya. Napatingin ako palayo. Awkward kung baga. Ako na yung nahiya para sa kanya.

Tapos syempre hindi ko natiis.

Tumingin ako ulit. Nakasubo na sa anak niya yung suso niya at tahimik na dumedede.

Goodness! Ang laki na ng boobs niya! Pero bukod doon, nakaramdam ako ng konting “Wow, parang ang saya,” na pakiramdam.

“Ako kaya? Kapag naging nanay na kaya ako?”

Nakita ko yung bonding nila sa pagkakataong iyon. Nagulat rin ako. Parang huminto ang mundo nung anak niya. Kahit chinichika pa rin niya ako, yung anak niya, payapang payapang nakakabit sa kanyang ina.

Hindi ko malilimutan yun. Kaya hanggang ngayon, naaalala ko sila. Kahit may sarili na akong anak na sumususo sa akin, hindi ko pa rin malimutan si Shiela.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s