Tulog blues

Minsan, iisipin mo – naloloka na ba ako? May mga oras na parang mag-isa ka sa mundo. Mga panahon na naaalala mo yung pagkadalaga mo. Yung nanay mo. Naiisip mo biglang “Pinahirapan ko ba siya talaga?”

Tapos gusto mong matulog. Yung tulog na walang istorbo sa panaginip mo lang ata naranasan. Ilang linggo ka na ring puyat. Kahit sa sofa or sa CR nakakaidlip ka kasi “sayang ang minutes.”

Tapos… Tapos pagkatapos mo magpadede, nakatulog siya.

“Hallelujah!”

Heto na yun. Yung panahong pinakahihintay mo. Pagod siya alam mo kasi kanina pa siya laro nang laro. “Me time” mo na sa wakas.

Tahimik ang paligid. Tanghaling tapat kasi. Tulog lahat ng tao. Siyesta mode na. Ikaw nalang ang hinihintay ng mundo.

Heto na… Makakatulog ka na.

Whew. Sweet, sweet sleep, come to me.

Ay may dumaan na isang single na motor na naka-muffler. Namatayan pa sa hump sa kalsada sa tapat ng kwarto niyo. Bakit ba naman ngayon pa ata pumalya ang motor ni kuya.

Pagkaalis niya, lumingon ka sa natutulog mong anak.

One… Two… Three…

At narinig mo ang pinaka sweet niyang uwaaaaa.

Bow.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s