CTRL+Z

Nagkaron ka na ba ng takot maging isang nanay?

Kasi ako dati, oo. Isang malaking OO na pwede mo drowingan ng kilay at sisimangot siya sa ‘yo.

Minsan, sa church, may mga batang nagtatakbuhan, magugulo. Makukulit. Maiingay at walang pakialam sa mundo. Sabi ng sakin ng pastora ko, “Ayan, ready ka na ba sa ganyan?”

Siyempre napa-iling ako. Hindi no! Hindi sa imahinasyon ko, at that time, ako magiging ready mag-alaga ng bata.

Wala akong karanasan, sa totoo lang. Wala akong alam sa pag-aalaga ng bata. Takot nga ako sa kanila. Kasi pakiramdam ko dati, may powers akong magpaiyak ng bata. Tuwing sinasabi kong “Hi. What’s your name?” Iiyak na sila agad. Kung sa “Hi. What’s your name” palang umiiyak na sila, paano pa kaya kung ako yung kakarga, mag-aalaga, etc?

Isang anak lang ako. Wala rin akong mga kamag-anak o mga kaibigan na pwedeng hiraman ng sanggol para alagaan ko. Wala rin namang magpapahiram sa akin, sa tingin ko.

Pero sa kamulat-mulatan ko, heto ako ngayon: Nagpapalit ng diaper. Nagpapasuso. Nagbibihis. Naglalaba. Nagpupunas kapag may pawis.

Sabi nga sakin minsan, “Matututunan mo rin lahat ng ‘yan kapag nandun ka na sa panahong ‘yon.”

Ito na nga ‘yun. No choice. Hindi mo pwede takbuhan ang pagiging ina. Wala rin ‘tong rest day. Walang day off. Walang time na sasabihin mo “Break muna. Balik ka muna sa pinanggalingan mo.” Walang CTRL+Z ang pagiging ina.

control_z2

Ika nga sa isang quote na imbento ko lang: Embrace it. Love it. This is our moment. This is our time.

 

Akala ko dati, kapag may yaya madali lang ang buhay. Ngayon, wala akong yaya, at hindi naging madali ang buhay.

Kasi ayoko siya ipaalaga kahit kanino. Parang nagkaroon ako ng “pagdaramot”. Pagdaramot nga ba ‘yun o hindi ko lang alam kung papasa sa standards ko ang pag-alaga ng ibang tao. Akong dating walang alam sa pag-alaga ng bata biglang nagkaroon ng standards na hard to reach.

Sabi ng isa kong kaibigan na nauna sakin sa pagtahak nitong daan na to, “Saglit lang ang oras. Mabilis lumaki ang bata.”

Sabi ko noon, hindi ‘yan totoo. Kasi ang bawat dodo niya sakin, parang forever sa tagal. Tuwign umiiyak siyang hindi ko maintindihan, parang kasing tagal mula ng time ni Adam hanggang ipinanganak si Peter.

Pero unti-unti ko siyang naiintindihan. Parang ang bilis nga.

Ngayon, nabibilisan na ako sa paglaki niya. Parang kelan lang. Sa dalawang buwan, bagamat nagkaroon ng mga panahong mabagal para sa akin, parang ang bilis niya lumaki (bukod sa fact na matakaw talaga siya). Dati kasya siya sa batya, ngayon, lagpas na ang paa niya sa bath tub niya!

Natatawa nga ako kapag nagpapaka senti ako sa mga pictures. Kamon, ilang pictures palang, at dalawang buwan palang siya pero kung umasta ako para akong naghahanda sa kasal ng anak ko!

Sa tingin ko lahat ng nanay daraanan ang mga moments na ganito. Ayoko nga muna manood ng mga mother videos kung saan nagleletgo na sila ng mga anak nila dahil matatanda na.

Hindi pa muna. Hindi pa ngayon.

Habang bata pa siya, habang ako muna yung kailangan niya, habang hindi siya makatulog nang hindi ako katabi o nakasuso sa akin, habang ang boses ko muna yung gusto niyang marinig, habang amoy ko pa ang gusto niyang maamoy, hindi ko muna siya pakakawalan.

I will embrace it. Love it. This is our moment. This is our time.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s