Tulog Blues 3: Vroom

Kanina, nagset-up yung kapitbahay namin ng basketball ring ng mga bata. Obviously, magiging maingay. Sino ba naman ang kayang maglaro ng basketball nang hindi naririnig ang dribble or yung takbo mo. Himala yun kung saka-sakali.

At wala ring mga batang hindi nagsasalita sa tuwing naglalaro. Kung meron man, ayoko na magbigay ng halimbawa.

As usual, pinapatulog ko si Anak para meron naman akong oras gumawa ng kahit anong mga bagay sa mundo. Si Anak kasi, kung kelan ako may deadline or kung kelan kailangan ako ng mga earthly bossings ko, saka niya gustong gising lang siya, umiiyak or nag-mamarkulyo at hindi mo pwede iwanan nang hindi mo nilalaro o nakadikit sayo. May mga panahon pang gusto lang niyang nagtititigan kaming dalawa habang yung Skype ko e 200,000 notifications na sa dami ng kausap kong nabinbin.

Mga alas diyes ata ng umaga yun. Usual time ng pagtulog niya nang biglang may mangilan-ngilang mga hampas ng paa sa semento, hagikgik ng mga malilliit na boses, hampas ng bola sa parang plywood at bolang obvious na dinidribble.

Siyempre, hindi palalampasin ni Anak yun. Moment niya yun para magbigay ng rason para mumulat. May mga bata sa labas mismo ng bintana namin. Napansin kong nakikinig mabuti ang dalawang buwan kong sanggol:

“Wala kang binatbat sakin.”

“Akala mo lang yun!”

Blah blah something to that epek.

Natetempt na akong lumabas para kausapin sana ang mga bata. Wala naman akong planong magalit. Siyempre, kakausapin ko sila nang marahan. Ako pa. Reyna ako ng pagiging mahinahon.

Biglang lumabas yung Tatay Nilang Lahat. Hindi sila magkakapatid, pero siya yung mamang may-ari ng bahay.

“Ilipat niyo ‘yang ring na sa kabila. May baby diyan. Maingay.”

Praise God. Hindi ko na kailangan ilabas ang Marahan Powers ko.

Unti-unting nawala ang mga mga yabag, ang bola at mga hagikgik.

Ilang minutong naging tahimik. Si Anak ay wala nang rason para hindi matulog. Papikit na siya. Alam niyang hindi na siya makakalusot sa akin.

Biglang nilabas ng Tatay Nilang Lahat ang kaniyang heavy-duty motorsiklo na may muffler na pwedeng magbuga ng usok powers na singlakas ng putok ng Mt Pinatubo.

Pumarada siya sa tapat ng bintana namin at nagtesting ng tambutso.

Bow.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s